Thursday, August 19, 2010

Naglelevel- up Din Ba ang mga Engkanto? ni Claudette Faustino


May iba't ibang uri ng  engkanto sa "spiritual dimension". Ang mga nilalang na ito ay may iba't ibang lebel ng kapangyarihan o kakayahan na naaayon sa kanilang edad, kalikasan at tutulungan kung mayroon man. Tulad ng mga engkanto na kadalasang nagpapakita sa mga taong kanilang nagugustuhan lalo't higit sa mga taong may mga extraordinary gift o paranormal ability ngunit di man sila nakikita ng karamihan, sila naman ay nagpaparamdam sa taong kanilang nagugustuhan.

May mga paraan ang kanilang pagpaparamdam, at ito ay nakabatay sa kanilang lebel o category. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Unang lebel; Sila ang mga engkantong matatagpuan sa mga mapupunong lugar. Kadalasan, sila ay nananahan sa mga punong matatanda, at matatagpuan sa mga ilang at madidilim na lugar. Ang mga engkantong ito ay ang mga duwendeng puti, engkantada at mga punso. Sila ang mga tinaguriang mga friendly spirits o good spirits. Ang kanilang kapangyarihan ang tinaguriang pinakamataas sa lahat. Ang mga ganitong engkanto ang kadalasang hinihingan ng gabay at tulong. Sila rin ay itinuturing na divine at laging maaasahan.

Ikalawang lebel; Ang mga engkanto sa kategoryang ito ay ang mga duwendeng pula at itim, at ang iba pang mga harmful entities. Ang mga duwendeng pula, white ladies at incubus spirits ay may kakayahang pumasok sa katawan ng tao. Ang kanilang karaniwang biktima ay mga bata at dalaga na may mahahabang buhok. Sila ay kadalasang nagdudulot ng pisikal na karamdaman at panghihina. Kapag ganap silang nakapasok sa loob ng katawan ng isang tao, sila ay nagdudulot ng changes of mood tulad ng irritability, loss of sleep, at iba pa. Ang kanilang kapangyarihan ay masasabing works of evil.

Ikatlong lebel; Sila ang mga engkantong katulad ng tikbalang at engkanto sa hangin. Ang mga ito ay kadalasang umaatake sa madaling araw. Ang taong kanilang nagugustuhan ay nagkakaroon ng mga pantal sa iba't ibang bahagi ng katawan. Ito ay yung mapupula at makakapal na pantal tulad ng skin allergy. Sila rin ang dahilan sa pagiging lutang ng kanilang mga biktima. 

Ikaapat na lebel; Ang mga engkanto sa kategoryang ito ay mas malakas at bayolente. Sila ang tinaguriang "warriors of the dark". Sila ay binansagang warriors sa dahilang sila ang tagapagtanggol ng kanilang kaharian sa oras ng labanan ng mga espiritu. Ang kanilang hanay ay may kakayahang magsagawa ng mga chants o orasyon na pwedeng paraanin sa kanilang midyum tulad ng isang ordinaryong tao.

Ikalimang lebel; Sa kategoryang ito, ang engkanto ay may dalawang mukha. Ang mukha ay maaaring babae o lalaki, subalit kung minsan ay wala silang mukha. Ang mga ganitong uri ng espiritu ay minsang mabait, pero kadalasan ay hindi. May kakayahan silang manggaya ng mukha o kaya naman ay ng boses ng taong malapit sa biktima. Sila ang mga espiritung mapanlinlang. Kadalasan, nagaalok sila ng mga kayamanan ngunit ito ay may malaking kapalit. Ito ay ang iyong buhay.

Sadyang tunay na mahiwaga ang mundo ng mga espiritu kung ating iisipin. Kaya nga mahalaga rin na ating malaman ang mga bagay na ito upang tayo ay lubusang makapag-ingat sakaling dumating ang pagkakataong sila ay makisalamuha sa ating pisikal na katotohanan. Mas nakabubuti ang maging palaging handa at maging maingat sa lahat ng ating mga galaw at binibitawang salita, kilos, at pakikisalamuha sa ating kapwa, lalo na sa mga nilalang na hindi natin nakikita.

24 comments:

Unknown said...

Nasa ikalawang lebel ang sitwasyon ng mama ko. Ano ba ang dapat gawin para umalis sa katawan nya ang engkanto ? Tulungan nyo po kami. Tnx

Unknown said...

Mahigit isang bwan na po kasi syang hindi nakakatulog. Nagpa general check up na po sya at walang makita ang mga doctor na sakit nya. Pumunta narin po kami sa mga albularyo pero hindi po nila napaalis. Pano po ba ang dapat namin gawin para mapaalis na ang engkanto ?? Tulungan nyo po kami .. Pleasee :(

Unknown said...
This comment has been removed by the author.
Unknown said...

Kapag nagkainteres po ang mga engkanto sau simula nung hindi k pa pinapanganak ano po b ibig sabihin nun?

Eden said...

nung bata ako palagi ako nakakaramdam sa bahay.namin na may namamasid at naka bantay skin palagi kung san man ako magpunta, at parati ako napapanaginipan na isang lalaki na naka puting damit ang dumadalaw sa panaginip ko, at napag pasyahan ng pamilya ko na ipa tingin ako sa isang albularyo, at dun nakita na may nanliligaw skin na engkantong puti. Tulungan nyo po ako kung anong gagawin ko dito?? mrami pa po akong gustong ibahagi sa inyo na karanasan ko.

Unknown said...

Totoo ba talaga andito? Naghahanap kasi ako ng kasagutan simula noon kaso ngayon lnag ako nagkaron ng lakas ng loob. My papa passed away 2001. Kaso di ako mapakali hanggang ngayon kasi merong taga albularyo samin na nagsabi na hindi daw papa ko ang nakaburol kundi isang puno ng saging. As usula, no one believes her. At isa pa bata pa ako nun. Saka sabi niya na kinuha si papa ng engkanto. Madmai din nagsasabi na kahit nakaburol na si papa, nakikita pa din daw nila si papa sa isang puno na may kasamang nakaputing babae samantalang nakaburol na siya nun. Untill now ang daming nagsasabi na si papa andun pa din lalo na sa pinaint nya. Hindi daw siya umaalis dun at parang may inaantay. Kami ba o ako na anak niya ang inaantay niya? I'm still wondering kung pwede ko pa ba siya makuha sa mga engkanto. Kahit naman hindi na siya bumalik dito pero mapunta lang sa heaven yung soul niya. Kindly answer me. Coz i'm getting crazy. Lagi kong iniisip yun. Hindi ko na alam gagawin. Gusto kong mag-aral ng paranormal but how and when? Sana panisnin niyo po ako. Kasi sobra na yung pangungulila at pag-aalala ko pati na yubg oag stock ko sa isiping ito.

Unknown said...

I'm RICHELLE REVELDEZ po. Search niyo ho ako sa fB kung may sagot kayo sa tanong ko. I'm badly needed na makakatulong sakin about this matter. Ilang years na din akong nastocked dito. Please help me to find answer. I'm begging.

Unknown said...

Ako po yung RICHELLE REVELDEZ.

Unknown said...

Ako po si unknown na nagpost nito. Sana may sumagot. PLEASE

anakngengkanto said...

dapat nung araw ng burol niya dinaan niyo sa bintana ang katawan niya para malaman kung na engkanto nga siya. Kapag naging puno ng saging ibig sabihin nag tagumpay na ang mga engkanto na kunin siya. Pero kung di naman siya nag bago normal siya namatay pero kung sabi ng albularyo na puno na ng saging ang nakita niya di niyo na siya mababawi. Namimiss lang niya kayo kaya siya nagpapakita. May posibilidad din na gusto niya kayo kunin dahil sa lungkot niya dun.

Unknown said...

May kakayahan ho ba na malaman ang inisiip ng isang tao ng isang duwende o enkanto o kahit na ung taong may kakayanan.apat na boses naririnig ng asawa ko dalawang lalake at babae.kaya rin ba ng taong may kakayan na malaman ang isip ng tao kahit di nya ito nakikita.

Unknown said...

Nakakarinig po ang asawa ko ng boses isang taon na mahigit.ano po kaya ang gumagambala sa kanya.apat na boses po ang naririnig nya wala pong tigil un kahit sa umaga at gabi.lahat po ng ginagawa nya alam nila pati iniisip alam din nila.ano po kaya ang gmagambala sa kanya.kaya po ng taong may kakayahan na malaman nila ang iniisip ng isang tao pati kung nasaan ito at marinig din ng ibang kasama nya ang iniisip ng asawa ko.

Unknown said...

Nakakarinig po ang asawa ko ng boses isang taon na mahigit.ano po kaya ang gumagambala sa kanya.apat na boses po ang naririnig nya wala pong tigil un kahit sa umaga at gabi.lahat po ng ginagawa nya alam nila pati iniisip alam din nila.ano po kaya ang gmagambala sa kanya.kaya po ng taong may kakayahan na malaman nila ang iniisip ng isang tao pati kung nasaan ito at marinig din ng ibang kasama nya ang iniisip ng asawa ko.

Unknown said...

May kakayahan ho ba na malaman ang inisiip ng isang tao ng isang duwende o enkanto o kahit na ung taong may kakayanan.apat na boses naririnig ng asawa ko dalawang lalake at babae.kaya rin ba ng taong may kakayan na malaman ang isip ng tao kahit di nya ito nakikita.

Unknown said...

Gusto ko lang itanong kunh anong klaseng engkanto yung lalaking maitim at mapula ang mata may friend kasi ako na bumisita sya sa cavite until now sinundan sya hanggang ngayong nabuntis na sya. I badly needed an answer baka may mangyreng masama sa bata dhil malapit n syang manganak and till now ramdam nyang ginagambala sya ng lalaki at kasama nya.

Unknown said...

Noon bata pa raw ako gusto akong kunin ng engkanto kasi anak daw nila ako sabi ng ate ko kaya itinakas ako ng kapatid ko pero kahit saan daw sila mag punta nakaharang ang engkanto, ang itsura daw ay mapuputi,walang uka sa pagitan ng bibig at ilong at walang buhok.ano po ba ibig sabihin noon?

Unknown said...

Pwede magtanong pag nangyayari s isang tao yng level 2 at level 3

Tin said...

Ano pong ibig sabihin may na aamoy kang napakabangong pabango at the dawn...? Di ba hindi normal un...and to think madaling araw...impossible namang may magpapabango..

Unknown said...

Ako po febee share ko lng po n cmula po nung bata pako lgi n po kong my nararamdaman kakaiba,, pero nfi ko po un pinapansin pero nung ngkaasawa po ko don po ko masyadong ntkot kc ako po mismo nkakaramdam ng ndi ko maintindihn .at kht ng ibng bnsa ako eh nahuhuluaan ako n my nkabantay saking ispirito ndi ko po alm kung cnu po un nkbntsy sakin ito dw po ay lging kong kasama kht saan un po ang sabi ng mnghuhula,, gusto ko po mlaman kung bkt gnon ung ngyatari sakin, sana po my mkasagot,

Unknown said...

Namatay ang aking anak sa simpleng lagnat lang daw.. yan angfang ng dalawang doctor.. at dahil nga simpleng lagnat lang daw. hnd ko na pina confine.. after two days binawian siya ng buhay.. ang huling salita binanggit niya ng tatlong beses.. una.. Hnd ko kaya.. sumunod na tatlong beses ay ang sinabi niya na kaya ko to.. pakiramdam ko ng mga oras na yun ay nakikipaglaban siya kay kamatayan.. Pero bago muna yung nagkasakit siya.. naalala ko may sinabi ang anak ko na bibigyan niya ako ng maraming pera..natawa nmn ako nun kasi saan siya kukuha ng maraming pera eh ang bata pa niya .. 5 years old pa lang.. May paniniwala ang mama ko na kinuha siya ng engkanto base sa kanyang panaginip tungkol sa anak ko.. Posibilidad po kaya na totoong kinuha ng engkanto ang anak ko? paano ko malalaman? sana mapansin niyo ang mensahe ko at masagot mga katanungan ko.. Maramaing salamat po.. Anno Domini ang pangalan ng anak ko.. 5 years old lang siya namatay..

Unknown said...

Punta ka ky ka estong mang gagamot Jan Alam Niya lahat

Unknown said...

Sa aking karanasan since wala pa yong covid buwan ng agosto taong 2019 naranasan kuna ring ma ingkanto I mean sabi ng albolaryo na may engkanto daw ang naka gusto sakin Iwan kuba ang babae daw kasi yong una masama yong pakiramdam ko eh nang hihina na yong loob ko yong katawan ko nawalan na akong Gumanang kumain kapag pilit Kong kumakain nasusuka ako Iwan kuba kung bakit nagkaganon inisip ko nga baka pinag lalaruan lang ako ng mga engkanto meron nga akong naririg ng mga bosses tao nag sa salita nahindi naririnig ng ibang tao kinakausap panga ako e Nga sa isip kulang sila makakausap at naririnig din naman nila ayaw nga nila akong tantanan eh gani to kasi yon may nagustohan akong babae baka seguro may naseselos na engkanto at baka pinag tripan ako hindi ko alam bat nagawa sakin to ang sabi nila mabait daw ako kaya sabi ko wag niyo akong abusuhin tigilan niyo na ako sinabi kuna nga sa parents ko sa kaibigan ko at saka sa ante at angkol k lolo at lola sa mga kapit bahay ko pero ayaw nilang maniwla sakin eh sabi panga nila baka katahang isip kulang daw sabi ng iba baka na depress ako or Ano or ect. Marami pang mga sinasabi ng iba tungkol sakin at mga masasakit na salita tungkol sakin hindi lang kasi nila alam ang dinaranas at pag hihirap ko halos mabaliw na ko non hindi kuna alam kung Ano ang aking gagawin bute nalang na Jan yong mga parents ko at saka mga pinsan kaiban ko tinulongan nila ako pagamot dito pagamot Don kahit saang albolaryo kami naka rating na aming pinuntahan kaso wala parin meron parin akong naririnig na hindi naririnig ng ibang tao na maka kausap kulang sa isip ko Iwan kuba kung bakit kaya pinag chagaan kung mabuti pinag sikapan kung mabuti grabi nung hirap at sakit at sakrepesyo ko noon nahihuya nga ako sa parents ko eh kaya pinabahala kuna lang sa dios nong nang yari sakin dati kaso pa balik2x nalang ang nangyari sakin eh Iwan kuba kung anong plano ng dios sakin kaya hanggang ngayon 22 taon na ako buwang march taong 2022 hindi ko talaga Mali limutan ang mga bangungot na iyon hanggang ngayon nandito parin sila Iwan kuba kung may dios ba talaga.. Marami pa akong e seshare sa inyo kaso gusto kunang matulog may trabaho pa ako bukas construction stay in ako ako nalang mag isa sa kwarto ko meron din akong mga kasama na Don sila sa ibang kwarto yong papa ko minsan lang siya matutulog sa, bang House namin umouwe siya sa bahay dahil May motor siya kanya2x kaming kwarto dito sa bang House namin.. ayaw nila akong tigilan ayaw nila ako patutulogin sa pinaparinig sakin ayaw nila akong tantanan Iwan kuba talagang mga demonyo talaga tong nag paparinig sakin na pinaparinig sakin 3:25am na wala pa akong tulog babae at lalaki ang naririnig ko meron pang bading Oo mahirap tong paniwalaan pero totoo to ito ang naranasan ko sa buhay ko hindi akalain na ganito ang mangyayri sakin buhay grabi na tong hirap at sakit puot at bigat ng problema dinadala ko ngayon.. Bakit pa ba tong nang yari sakin hindi kuna alam kung Ano ang aking gagawin pinapakita kuna lang sa ibang tao na OK ako pero ang totoo hindi... Marami pa akong e share sa inyo kaso gusto kuna talaga matulog 3:37am na

Unknown said...

Bisaya po ako taga Camiguin Island... Ako po yong nag comment kanina.totoo bang na engkanto ba talaga ako? Jephey bioyo po pangalan ko.. Hindi ko alam kung sinong makakatulong sakin eh...

Unknown said...

I mean po may engkanto bang nang trip sakin?... Marami daw klase sa engkanto eh...

Post a Comment