Thursday, August 19, 2010

Andiyan na Siya, Magtago Ka na!!! ni: Hannah Lois M. Tito


          Awoo...takot ka ba sa multo? Nakakita ka na ba o nakaramdam ng moo-moo? Sa tingin mo, bakit ikaw ang nakaranas nito?
                   Halika, samahan mo ako at talakayin natin ang mga katangiang taglay ng mga taong nakararanas ng “paranormal activities”. Malay mo, nagtataglay ka na pala ng isa sa mga katangiang ito, at ikaw na pala ang susunod na bibiktimahin ng mga ligaw na kaluluwa. Nakahanda ka na bang kilabutan? Awoo...


                   Unang katangiang tinataglay ng taong nakakaranas ng hindi normal na aktibidad ng mga multo, ay ang pagiging “adventurous” o pangahas. Ito ung mga taong malalakas ang loob o kaya naman e, ung mga taong walang magawa sa buhay nila. Isang magandang halimbawa nito, ay ang paglalaro nila ng “spirit of the glass” na kung saan nakikipag-usap ka sa multo, gamit ang isang baso at viggy board na may nakasulat na alphabets at numbers. Ung mga taong may taglay nito e, malalakas ang trip ngunit, kapag sila naman ang pinagtripan ng multong kanilang natawag at nagambala, tiyak, kikilabutan at matatakot sila.
                   Isa lang  ang masasabi ko sa kanila sa oras na mangyari ‘yon... “MGA PASAWAY KASI ‘YUN TULOY ANG NAPAPALA”.
                   Ikalawa, pagiging matatakutin. Ang mga taong nagtataglay ng ganitong ugali ay masasabi ko rin na O.A. o over acting. Bakit? Kasi, subukan mo silang biruin tungkol sa mga multo, andyan na ung kanilang reaksyon na nanginginig, mangiyak-ngiyak at nagwawala kahit wala naman talagang multo. Kaya siguro ung mga ligaw na kaluluwa e, mas pinipili sila, kasi, at least ‘di ba, bumebenta sila dahil may natatakot sila.
                   Pumapasok din dito ung mga taong ”paranoid”. Ung tipong pakiramdam mo laging may nakasunod sayo o laging nasa likod mo. Ung kung anu-ano ang naiisip mo, tapos all of a sudden sisigaw ka na lang at matatatakbo na parang may humahabol sa’yo. Ang karaniwang may ganitong katangian ay ung mga mahihilig manuod ng mga horror movies especially ung mga mag-isa lang habang nanunuod.
                   Ang masasabi ko lang sa mga taong ganito, e, tinatakot n’yo lang ang sarili n’yo. At utang na loob, lubayan na ang panunuod ng mga kakatakot na palabas, ‘tas in the end, hindi ka makatulog dahil naaalala mo ung mga napanuod mo. At ang resulta, magiging matatakutin ka, kahit na wala ka namang dapat katakutan.
                   Pangatlo, mga taong nagtataglay ng “third eye”. Sila ung may extra ordinary power. Kapangyarihan na makakita ng mga kakaibang nilalang. Mga nilalang na minsan napapadaan lang o ung mga hindi matahimik at gustong mabigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay.
                   Ayaw na ayaw kong may makakasama na taong nagtataglay nito. Mahirap na, baka mamaya bigla na lang n’yang sabihin na may katabi akong moo-moo. Katakot ‘di ba?
                   Ang maipapayo ko lang sa kanila ay, sana hindi sila mapahamak, dahil minsan may mga kaluluwa na agresibo. Sana, magamit nila ung “third eye” nila ng tama.
                   Ang pang-apat at pang huling katangiang tinataglay ng taong nakakaramdam ng mga multo ay, ung pagiging kristiyano. Siguro, nagtataka kayo kung bakit isa ito sa mga katangian ng taong nakakaranas ng mga “paranormal activities”. Isinama ko sila dahil, base sa aking sariling karanasan, na kahit ako ay may takot sa Panginoon, hindi pa rin ako nakaligtas sa multo at ligaw na kaluluwa.
                   Naaalala ko pa nung ako ay nasa grade school, first time kong makakita ng white lady nun. Grabe, hindi ko kinaya ung moment na ‘yon, as in kinilabutan ako, ung balahibo ko super nakatayo talaga.
                   Para sa akin, kaya siguro hinayaan ng Diyos na maranasan ko ‘yun e, para ma-test ung faith ko, kumbaga, kaya may mga kristyanong anak ng Diyos na nakaka-experience nito e, isa lamang sigurong paraan N’ya ito, upang malaman N’ya kung gaano tayo nananampalataya at naniniwala sa Kanya.
                   Itong mga katangiang ibinigay ko ay base lamang sa sarili kong opinyon at obserbasyon. Ngayon, depende na lamang sa iyo kung gusto mo itong paniwalaan. Ngunit, may iiwan akong tanong para sa’yo...
                   Ngayong nabasa mo na ito... may katangian ka bang tinataglay na kabilang sa mga nabanggit ko????????????...

ANG HIWAGA NG ALIEN ABDUCTION ni Joan Elfie P. Baguios


       
            Lumalalim na ang gabi at marahil ay papunta na rin sa higaan ang karamihan upang matulog, nang may napansin sii Ricky (hindi niya tunay na pangalan) sa kalawakan. Hindi ito ang Aurora Borealis, hindi isang eroplano, at lalong hindi isang eclipse. May kung anong lumilipad sa kalawakan. Isang bagay na tila hugis mangkok. Isang UFO! Dali-dali niyang tinawag ang pamilya at ipinakuha ang video cam. Sinubukan niya itong kuhanan ng footage subalit makaraan ang ilang sandali, may kung anong matinding liwanag ang nagmula sa UFO at nag-power off ang camera.

         Ito ay kuwento ng isang taong aktwal na nakakita ng UFO o Unidentified Flying Object. Bagamat hindi ko pinanood ang episode na ito ng True Stories, isang programa sa telebisyon, hindi ko alam kung bakit ba parang merong something sa preview na ito na parang nakapukaw ng atensyon ko. Siguro dahil kakaiba siya, at siguro, dahil wala pa akong gaanong alam tungkol sa mga alien at UFO eh parang I want to quench my thirst for knowledge tubgkol sa mga ito. Para bang may something dito that makes me curious about it.

         Siguro nagtataka ka kung bakit tungkol sa alien at UFO ang ginawa kong weblog. Well, ag masasabi ko lang, kapag meron kang paranormal ability, may kakayahan kang makakita ng mga elemento mula sa ibang dimensyon. At sa tingin ko, ang mga alien at UFO ay parte ng ibang dimensyon.

         Marami na rin akong narinig at napanood sa t.v. tungkol sa mga UFO at alien. Ayon sa mga ito, kahit na noong Chinese civilization pa lang ang nag-eexist dito sa Asya, meron na rin silang naitalang pagpapakita ng mga UFO's. Isipin mo yon! Ang cool, kasi kahit pala noon pa lang, meron nang mga ganito. Cool, kasi kung iisipin mo, parang napaka- futuristic ng dating at parang napaka- advanced ng mga gadgets nitong mga alien na 'to combined with the ancient civilization, ang cool di ba?

        Pero sa totoo lang, kung ako ang tatanungin, parang ayokong makakita ng UFO o alien sa totoong buhay. Parang ang creepy! Paano kung merong mangyaring di maganda sa akin habang pinapanood ko sila? Paano kung isama nila ako sa planeta nila o sa mundo nila, sa kanilang dimensyon? Paano kung may gawin sila sa akin at maging isa rin ako sa kanila, o kaya nama'y pag- eksperimentuhan nila ako? Paano? Ayoko!!! Ayokong mawalay sa pamilya ko, ayokong mawalay sa mga mahal ko sa buhay.

        Over the years, marami na ring alien abduction phenomena ang naitala. Sinasabing ang mga humanoid abductors na ito ay may balingkinitang pangangatawan na nababalutan ng pino at manipis na balahibo. Ang ibang humanoid ay kulay grey (Greys), kawangis ng tao (Nordic aliens), humanoid reptiles, nilalang ng enerhiya, at marami pang iba.

           Sabi ng iba, prone sa paranoid thinking, mga ,masasamang panaginip o nightmares at mahinang sexual identity ang mga taong nakaranas ng alien abduction. Meron din namang nagsasabi na pagkaraan ng alien abduction experience, mas naging malakas ang paranormal abilities at occurrences sa isang tao.

          Pero bakit nga kaya nagaganap ang alien abduction na ito? Ano kaya ang motibo ng mga extra terrestial na ito at kailangan nilang mang- abduct pa?


         Hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam ng tunay na dahilan sa mga alien abduction phenomena na ito. Ang tangi ko lang alam ay may isa tayong Diyos na makapangyarihan sa lahat at laging gumagabay sa atin, saan man tayo naroroon.

Kagaya ka din ba nila? ni Honey Rose C. Caliwan


Marahil ay sawang sawa ka na sa mga usap usapan sa kanto tuwing may namamatay kang kapitbahay. kanya kanyang kwento nga mga kababalaghang nararanasan raw nila. sa totoo lang, naniniwala ako sa kasabihang "to see, is to believe". Pero pagdating sa mga multo, hindi ko na kailangan pang makita sila. Dahil takot ako, Ngunit bilib din naman ako sa mga taong gusto pang kilalanin at pag-aralan ang mga ito. Ano ba ang napapala nila? Naaaliw ba sila? O talaga lang masyadong malawak ang kabilang dimensyon, na kahit ang mga nabubuhay pa ay gustong pasukin ang mundo ng mga pumanaw na.


Simple lang naman para sa akin ang ibig sabihin ng multo. Sila iyong mga pumanaw na. Siguro dahil ito na ang nakalakihan kong paniniwala. Pero pag ang mga "Paranormal Experts" na ang nagpakahulugan dito, sangkatutak na termino na ang kanilang ibibigay. Ang mga paranormal experts ang sinasabi kong mga taong mahilig makielam sa business nga mga multo.Sigurado akong nakapanuod ka na sa tv ng mga taong nagsasalita tunkol sa mga esperitu tuwing araw ng mga patay. tama? Pwes, sila iyon. Sa tuwing nakakapanuod ako ng ganon, tila ba hinihikayat nila akong maging parte ng kanilang "hobby". Pero kung iisipin mo, may sense din naman ang mga kaweirduhang sinasabi nila. Gaya na lamang ng mga litratong may mahahagip na mukha. Na ayon sa kanila ay kamag-anak raw o kaya naman ay malapit sa taong nasa litrato, na talaga namang nakakakilabot. Marahil nga ay may mga natatanging kakayahan at kaalaman ang mga paranormal experts para maipaliwanag ang mga iilang pangyayari na may kaakibat na misteryo. Minsan ay nagtataka rin ako kung bakit at paano nila nalalaman ang mga bagay bagay na may kinalaman sa multo.may sapat ba silang ebidensya para sabihing good o bad spirit ang nagpaparamdam sa iyo ngayon? O kaya naman ay talaga bang nakikita nila ang esperitung nakapaligid sa iyo? Oops, wag matakot. Para sa akin, dalawa lang ang pwedeng maging sagot. Oo, dahil totoo ang mga multo. At hindi, dahil lahat lamang ng ito ay isang kathang-isip lamang.

Aminin na natin. Minsan ay nakaramdam tayo ng mga kababalaghan sa ating paligid. At dahil dito, nagiging interesado tayo kahit papaano sa mga paliwanag ng mga paranormal experts ukol rito. May mga pangyayari din sa ating buhay na kahit sino ay hindi maipapaliwanag. Kahit pa ang kilala mong pinaka matalinong tao. dahil ang mundo ay sadyang nababalot ng kahiwagaan. Ika nga, kanya kanyang trip nalang yan. Pero ingat ka sa trip mo, baka ikaw na ang napag tritripan. Dahil mahirap kalabanin ang mga hindi nakikita.

Naglelevel- up Din Ba ang mga Engkanto? ni Claudette Faustino


May iba't ibang uri ng  engkanto sa "spiritual dimension". Ang mga nilalang na ito ay may iba't ibang lebel ng kapangyarihan o kakayahan na naaayon sa kanilang edad, kalikasan at tutulungan kung mayroon man. Tulad ng mga engkanto na kadalasang nagpapakita sa mga taong kanilang nagugustuhan lalo't higit sa mga taong may mga extraordinary gift o paranormal ability ngunit di man sila nakikita ng karamihan, sila naman ay nagpaparamdam sa taong kanilang nagugustuhan.

May mga paraan ang kanilang pagpaparamdam, at ito ay nakabatay sa kanilang lebel o category. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

Unang lebel; Sila ang mga engkantong matatagpuan sa mga mapupunong lugar. Kadalasan, sila ay nananahan sa mga punong matatanda, at matatagpuan sa mga ilang at madidilim na lugar. Ang mga engkantong ito ay ang mga duwendeng puti, engkantada at mga punso. Sila ang mga tinaguriang mga friendly spirits o good spirits. Ang kanilang kapangyarihan ang tinaguriang pinakamataas sa lahat. Ang mga ganitong engkanto ang kadalasang hinihingan ng gabay at tulong. Sila rin ay itinuturing na divine at laging maaasahan.

Ikalawang lebel; Ang mga engkanto sa kategoryang ito ay ang mga duwendeng pula at itim, at ang iba pang mga harmful entities. Ang mga duwendeng pula, white ladies at incubus spirits ay may kakayahang pumasok sa katawan ng tao. Ang kanilang karaniwang biktima ay mga bata at dalaga na may mahahabang buhok. Sila ay kadalasang nagdudulot ng pisikal na karamdaman at panghihina. Kapag ganap silang nakapasok sa loob ng katawan ng isang tao, sila ay nagdudulot ng changes of mood tulad ng irritability, loss of sleep, at iba pa. Ang kanilang kapangyarihan ay masasabing works of evil.

Ikatlong lebel; Sila ang mga engkantong katulad ng tikbalang at engkanto sa hangin. Ang mga ito ay kadalasang umaatake sa madaling araw. Ang taong kanilang nagugustuhan ay nagkakaroon ng mga pantal sa iba't ibang bahagi ng katawan. Ito ay yung mapupula at makakapal na pantal tulad ng skin allergy. Sila rin ang dahilan sa pagiging lutang ng kanilang mga biktima. 

Ikaapat na lebel; Ang mga engkanto sa kategoryang ito ay mas malakas at bayolente. Sila ang tinaguriang "warriors of the dark". Sila ay binansagang warriors sa dahilang sila ang tagapagtanggol ng kanilang kaharian sa oras ng labanan ng mga espiritu. Ang kanilang hanay ay may kakayahang magsagawa ng mga chants o orasyon na pwedeng paraanin sa kanilang midyum tulad ng isang ordinaryong tao.

Ikalimang lebel; Sa kategoryang ito, ang engkanto ay may dalawang mukha. Ang mukha ay maaaring babae o lalaki, subalit kung minsan ay wala silang mukha. Ang mga ganitong uri ng espiritu ay minsang mabait, pero kadalasan ay hindi. May kakayahan silang manggaya ng mukha o kaya naman ay ng boses ng taong malapit sa biktima. Sila ang mga espiritung mapanlinlang. Kadalasan, nagaalok sila ng mga kayamanan ngunit ito ay may malaking kapalit. Ito ay ang iyong buhay.

Sadyang tunay na mahiwaga ang mundo ng mga espiritu kung ating iisipin. Kaya nga mahalaga rin na ating malaman ang mga bagay na ito upang tayo ay lubusang makapag-ingat sakaling dumating ang pagkakataong sila ay makisalamuha sa ating pisikal na katotohanan. Mas nakabubuti ang maging palaging handa at maging maingat sa lahat ng ating mga galaw at binibitawang salita, kilos, at pakikisalamuha sa ating kapwa, lalo na sa mga nilalang na hindi natin nakikita.

Tsupi Satan, Tsupi!!! ni Ma. Judith S. Jumalon


Nang mapanuod ko ang pelikulang “Exorcism of Emily Rose” aking nakita at naunawaan kung ano ang tunay na ibig sabihin ng Exorcism. Naramdaman ko ang takot at nakita ko kung paano sapian ang isang tao.

Ang EXORCISM ay galing sa salitang Latin na exorcismus at sa salitang Griyego na exorkizein na ang ibig sabihin ay to be free from evil spirits or malign influences. Ito ay proseso ng pag-papaalis ng masasamang espiritu sa katawan ng tao at makawala ito sa pag kontrol ng demonyo sa kanya. 

Maraming nagiging dahilan kung bakit sinasapian ang tao. Ito ay maaring dahil sya ay merong "third eye" o meron siyang kakayahan upang makita ang mga bagay na di nakikita ng di normal na tao. Yung tipong nakakakita at nagagawa niyang makausap yung mga espiritu. Maaari rin namang nanggaling siya sa isang masalimuot na karanasan kung saan nawalan siya ng tiwala at pananalig sa Diyos. 

Nag iiba rin ang taong sinasapian, nagiging malakas, nag iiba ang pisikal na anyoat nagiging pang hayop ang ugali. Samakatuwid, nagiging Demonyo. Ayon sa kinausap kong pastor na nakakita ng ng taong inaalihan ng demonyo ay "ang lakas nung babae, nagulat nga ako nung humaba yung dila niya at tila naging aswang ang itsura niya. Kinausap niya kami na iba ang boses niya at sinasabing walang kayang gawin ang Diyos na kilala namin. Siya daw ay mas malakas sa Diyos ". Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kinuwento ng aming pastor. "Ngunit pastor yun at di naman nya magagawang  mag-sinungaling" sa isip ko. 

Dagdag pa niya "Alam ng kaaway natin ang kahinaan, kapintasan maging ang mga pinakatatago nating lihim. Kaya kung mahina ka e, tiyak na tsugi ka anak" pabiro niyang sabi sa akin.

Marami ring paraan upang mag-paalis ang demonyo. Ito ay depende sa relihiyon at kultura na nakagisnan.May mga ginagamit din silang iba't-ibang orasyon, ritwal at dasal. Ngunit ang makakatalo lang sa mga demonyo ay ang matindi nating pananampalatya sa Diyos.

Mahirap din ang ginagampanan ng mga exorcist, dahil maaari daw na sa kanila sumapi ang demonyo. Sila daw yung humaharap sa matinding pagsusulit sa kanilang pagkatao dahil dito daw nasusukat kung gaano katatag ang kanilang pananalig.

Tunay ngang nakakatakot at nakakakilabot ang mundo ng Exorcism. Ngunit hindi natin ito maaring ipag-sawalang bahala.