Thursday, August 19, 2010

Andiyan na Siya, Magtago Ka na!!! ni: Hannah Lois M. Tito


          Awoo...takot ka ba sa multo? Nakakita ka na ba o nakaramdam ng moo-moo? Sa tingin mo, bakit ikaw ang nakaranas nito?
                   Halika, samahan mo ako at talakayin natin ang mga katangiang taglay ng mga taong nakararanas ng “paranormal activities”. Malay mo, nagtataglay ka na pala ng isa sa mga katangiang ito, at ikaw na pala ang susunod na bibiktimahin ng mga ligaw na kaluluwa. Nakahanda ka na bang kilabutan? Awoo...


                   Unang katangiang tinataglay ng taong nakakaranas ng hindi normal na aktibidad ng mga multo, ay ang pagiging “adventurous” o pangahas. Ito ung mga taong malalakas ang loob o kaya naman e, ung mga taong walang magawa sa buhay nila. Isang magandang halimbawa nito, ay ang paglalaro nila ng “spirit of the glass” na kung saan nakikipag-usap ka sa multo, gamit ang isang baso at viggy board na may nakasulat na alphabets at numbers. Ung mga taong may taglay nito e, malalakas ang trip ngunit, kapag sila naman ang pinagtripan ng multong kanilang natawag at nagambala, tiyak, kikilabutan at matatakot sila.
                   Isa lang  ang masasabi ko sa kanila sa oras na mangyari ‘yon... “MGA PASAWAY KASI ‘YUN TULOY ANG NAPAPALA”.
                   Ikalawa, pagiging matatakutin. Ang mga taong nagtataglay ng ganitong ugali ay masasabi ko rin na O.A. o over acting. Bakit? Kasi, subukan mo silang biruin tungkol sa mga multo, andyan na ung kanilang reaksyon na nanginginig, mangiyak-ngiyak at nagwawala kahit wala naman talagang multo. Kaya siguro ung mga ligaw na kaluluwa e, mas pinipili sila, kasi, at least ‘di ba, bumebenta sila dahil may natatakot sila.
                   Pumapasok din dito ung mga taong ”paranoid”. Ung tipong pakiramdam mo laging may nakasunod sayo o laging nasa likod mo. Ung kung anu-ano ang naiisip mo, tapos all of a sudden sisigaw ka na lang at matatatakbo na parang may humahabol sa’yo. Ang karaniwang may ganitong katangian ay ung mga mahihilig manuod ng mga horror movies especially ung mga mag-isa lang habang nanunuod.
                   Ang masasabi ko lang sa mga taong ganito, e, tinatakot n’yo lang ang sarili n’yo. At utang na loob, lubayan na ang panunuod ng mga kakatakot na palabas, ‘tas in the end, hindi ka makatulog dahil naaalala mo ung mga napanuod mo. At ang resulta, magiging matatakutin ka, kahit na wala ka namang dapat katakutan.
                   Pangatlo, mga taong nagtataglay ng “third eye”. Sila ung may extra ordinary power. Kapangyarihan na makakita ng mga kakaibang nilalang. Mga nilalang na minsan napapadaan lang o ung mga hindi matahimik at gustong mabigyan ng hustisya ang kanilang pagkamatay.
                   Ayaw na ayaw kong may makakasama na taong nagtataglay nito. Mahirap na, baka mamaya bigla na lang n’yang sabihin na may katabi akong moo-moo. Katakot ‘di ba?
                   Ang maipapayo ko lang sa kanila ay, sana hindi sila mapahamak, dahil minsan may mga kaluluwa na agresibo. Sana, magamit nila ung “third eye” nila ng tama.
                   Ang pang-apat at pang huling katangiang tinataglay ng taong nakakaramdam ng mga multo ay, ung pagiging kristiyano. Siguro, nagtataka kayo kung bakit isa ito sa mga katangian ng taong nakakaranas ng mga “paranormal activities”. Isinama ko sila dahil, base sa aking sariling karanasan, na kahit ako ay may takot sa Panginoon, hindi pa rin ako nakaligtas sa multo at ligaw na kaluluwa.
                   Naaalala ko pa nung ako ay nasa grade school, first time kong makakita ng white lady nun. Grabe, hindi ko kinaya ung moment na ‘yon, as in kinilabutan ako, ung balahibo ko super nakatayo talaga.
                   Para sa akin, kaya siguro hinayaan ng Diyos na maranasan ko ‘yun e, para ma-test ung faith ko, kumbaga, kaya may mga kristyanong anak ng Diyos na nakaka-experience nito e, isa lamang sigurong paraan N’ya ito, upang malaman N’ya kung gaano tayo nananampalataya at naniniwala sa Kanya.
                   Itong mga katangiang ibinigay ko ay base lamang sa sarili kong opinyon at obserbasyon. Ngayon, depende na lamang sa iyo kung gusto mo itong paniwalaan. Ngunit, may iiwan akong tanong para sa’yo...
                   Ngayong nabasa mo na ito... may katangian ka bang tinataglay na kabilang sa mga nabanggit ko????????????...

0 comments:

Post a Comment