Marahil ay sawang sawa ka na sa mga usap usapan sa kanto tuwing may namamatay kang kapitbahay. kanya kanyang kwento nga mga kababalaghang nararanasan raw nila. sa totoo lang, naniniwala ako sa kasabihang "to see, is to believe". Pero pagdating sa mga multo, hindi ko na kailangan pang makita sila. Dahil takot ako, Ngunit bilib din naman ako sa mga taong gusto pang kilalanin at pag-aralan ang mga ito. Ano ba ang napapala nila? Naaaliw ba sila? O talaga lang masyadong malawak ang kabilang dimensyon, na kahit ang mga nabubuhay pa ay gustong pasukin ang mundo ng mga pumanaw na.
Simple lang naman para sa akin ang ibig sabihin ng multo. Sila iyong mga pumanaw na. Siguro dahil ito na ang nakalakihan kong paniniwala. Pero pag ang mga "Paranormal Experts" na ang nagpakahulugan dito, sangkatutak na termino na ang kanilang ibibigay. Ang mga paranormal experts ang sinasabi kong mga taong mahilig makielam sa business nga mga multo.Sigurado akong nakapanuod ka na sa tv ng mga taong nagsasalita tunkol sa mga esperitu tuwing araw ng mga patay. tama? Pwes, sila iyon. Sa tuwing nakakapanuod ako ng ganon, tila ba hinihikayat nila akong maging parte ng kanilang "hobby". Pero kung iisipin mo, may sense din naman ang mga kaweirduhang sinasabi nila. Gaya na lamang ng mga litratong may mahahagip na mukha. Na ayon sa kanila ay kamag-anak raw o kaya naman ay malapit sa taong nasa litrato, na talaga namang nakakakilabot. Marahil nga ay may mga natatanging kakayahan at kaalaman ang mga paranormal experts para maipaliwanag ang mga iilang pangyayari na may kaakibat na misteryo. Minsan ay nagtataka rin ako kung bakit at paano nila nalalaman ang mga bagay bagay na may kinalaman sa multo.may sapat ba silang ebidensya para sabihing good o bad spirit ang nagpaparamdam sa iyo ngayon? O kaya naman ay talaga bang nakikita nila ang esperitung nakapaligid sa iyo? Oops, wag matakot. Para sa akin, dalawa lang ang pwedeng maging sagot. Oo, dahil totoo ang mga multo. At hindi, dahil lahat lamang ng ito ay isang kathang-isip lamang.
Aminin na natin. Minsan ay nakaramdam tayo ng mga kababalaghan sa ating paligid. At dahil dito, nagiging interesado tayo kahit papaano sa mga paliwanag ng mga paranormal experts ukol rito. May mga pangyayari din sa ating buhay na kahit sino ay hindi maipapaliwanag. Kahit pa ang kilala mong pinaka matalinong tao. dahil ang mundo ay sadyang nababalot ng kahiwagaan. Ika nga, kanya kanyang trip nalang yan. Pero ingat ka sa trip mo, baka ikaw na ang napag tritripan. Dahil mahirap kalabanin ang mga hindi nakikita.
2 comments:
Gusto ko makakita ng mga Hindi nakikita ng ibang normal na Tao ,,
Kung magtutulungan nyo ako makakita ng mga Hindi nakikita ng ibang Tao,, add my fb account,, pissdrunx.05@gmail.com or search aj reyes
Post a Comment