Thursday, August 19, 2010

Tsupi Satan, Tsupi!!! ni Ma. Judith S. Jumalon


Nang mapanuod ko ang pelikulang “Exorcism of Emily Rose” aking nakita at naunawaan kung ano ang tunay na ibig sabihin ng Exorcism. Naramdaman ko ang takot at nakita ko kung paano sapian ang isang tao.

Ang EXORCISM ay galing sa salitang Latin na exorcismus at sa salitang Griyego na exorkizein na ang ibig sabihin ay to be free from evil spirits or malign influences. Ito ay proseso ng pag-papaalis ng masasamang espiritu sa katawan ng tao at makawala ito sa pag kontrol ng demonyo sa kanya. 

Maraming nagiging dahilan kung bakit sinasapian ang tao. Ito ay maaring dahil sya ay merong "third eye" o meron siyang kakayahan upang makita ang mga bagay na di nakikita ng di normal na tao. Yung tipong nakakakita at nagagawa niyang makausap yung mga espiritu. Maaari rin namang nanggaling siya sa isang masalimuot na karanasan kung saan nawalan siya ng tiwala at pananalig sa Diyos. 

Nag iiba rin ang taong sinasapian, nagiging malakas, nag iiba ang pisikal na anyoat nagiging pang hayop ang ugali. Samakatuwid, nagiging Demonyo. Ayon sa kinausap kong pastor na nakakita ng ng taong inaalihan ng demonyo ay "ang lakas nung babae, nagulat nga ako nung humaba yung dila niya at tila naging aswang ang itsura niya. Kinausap niya kami na iba ang boses niya at sinasabing walang kayang gawin ang Diyos na kilala namin. Siya daw ay mas malakas sa Diyos ". Hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kinuwento ng aming pastor. "Ngunit pastor yun at di naman nya magagawang  mag-sinungaling" sa isip ko. 

Dagdag pa niya "Alam ng kaaway natin ang kahinaan, kapintasan maging ang mga pinakatatago nating lihim. Kaya kung mahina ka e, tiyak na tsugi ka anak" pabiro niyang sabi sa akin.

Marami ring paraan upang mag-paalis ang demonyo. Ito ay depende sa relihiyon at kultura na nakagisnan.May mga ginagamit din silang iba't-ibang orasyon, ritwal at dasal. Ngunit ang makakatalo lang sa mga demonyo ay ang matindi nating pananampalatya sa Diyos.

Mahirap din ang ginagampanan ng mga exorcist, dahil maaari daw na sa kanila sumapi ang demonyo. Sila daw yung humaharap sa matinding pagsusulit sa kanilang pagkatao dahil dito daw nasusukat kung gaano katatag ang kanilang pananalig.

Tunay ngang nakakatakot at nakakakilabot ang mundo ng Exorcism. Ngunit hindi natin ito maaring ipag-sawalang bahala. 

3 comments:

Unknown said...

tanong ko lang paano ba mabuksan ang third eye?

Unknown said...

I want to know more to challenge my fighting spirits

Unknown said...

tsilyo... yan ang pambukas ng 3rd eye. may free pa yan, umbag. para maging black ung 3rd eye. so have 3rd black eye.

Post a Comment